:::

Ukol sa pagpapagamot pagkatapos ma-diagnose ng COVID-19: Q&A para sa mga migrant worker

Mga gastos pagkatapos ma-diagnose ng COVID-19: Q&A para sa mga migrant worker (Photo / Retrieved from Central News Agency)
Mga gastos pagkatapos ma-diagnose ng COVID-19: Q&A para sa mga migrant worker (Photo / Retrieved from Central News Agency)

Ang nonprofit na organisasyon 1095 na nakatuon sa pagbibigay ng mga serbisyong pagsasalin ay pinagsama ang ilang Q&A na nauugnay sa mga pamamaraan para sa pagsuri, kuwarentenas, at paggamot para sa COVID-19. Ang impormasyon ay magagamit na ngayon sa maraming mga wika, na ginagawang madali para sa mga bagong imigrante na maunawaan ang mga kaugnay na pamamaraan.

Kung nasuri ka na may virus na COVID-19, maaari mong sundin ang home quarantine protocol kung ang iyong kaso ay banayad. Gayunpaman, kung ang iyong sitwasyon ay itinuturing na malubha, dapat kang makipag-ugnay sa hotline ng 1922 at agad na humingi ng medikal na atensiyon.

Read more: July 12: CECC confirms 24 more COVID-19 cases, including 23 domestic cases and 1 imported case

Q: Magkano ang gastos sa pagpapagamot sa panahon ng isolation? Magkano ang dapat kong bayaran?

A: Sasagutin ng CDC ang gastos sa isolation mula sa araw ng pagbigay ng lokal awtoridad ng abiso sa isolation hanggang sa huling araw ng paggagamot sa isolation ng pasyenteng Covid-19 na pormal na nai-report. Kasama rito ang mga gastusin sa paggagamot at pagtira sa silid na isolation.

 Ang mga migrant worker ay maaaring makipag-ugnay sa hotline ng 1955 upang mag-file ng mga reklamo kung kinakailangan ng mga employer na pirmahan ang resignation letter. (Photo / Provided by the Workforce Development Agency)

Ang mga migrant worker ay maaaring makipag-ugnay sa hotline ng 1955 upang mag-file ng mga reklamo kung kinakailangan ng mga employer na pirmahan ang resignation letter. (Photo / Provided by the Workforce Development Agency)

Q: Pagkatapos kong ma-home isolation o mai-isolate at magamot sa ospital, kailangan ko bang pananagutan ang pagbayad sa pinsala sa kumpanya? Pauuwiin na ba ako?

A: Kapag hindi nagbigay ang amo ng quarantine leave ayon sa espesyal na regulasyon o hindi maganda ang pagtrato sa manggagawang gumamit ng quarantine leave, maaaring maparusahan ng pagbayad ng multang NT$50,000–1,000,000.

Ayon sa batas ng paggamit ng dayuhang manggagawa, pananagutan ng amo ang pamamahala sa manggagawa at hindi mawawala itong legal na obligasyon dahil may pinirmahan ang manggagawa.

Kapag lumabag ang amo sa kaugnay na regulasyon, kasama ang walang sapat na pamamahala na nagdulot ng sakit sa manggagawa, ang pagbawas ng gastos sa sahod ng manggagawa at hindi pagbigay ng sahod ayon sa patakaran, maaaring pagmultahan ang amo ng NT$60,000-300,000 ayon sa Employment Service Act at ipawalang-bisa ang permisong kumuha ng dayuhang manggagawa.

Read more: Sarah Geronimo, mapapanood sa GMA 7 via 'Tala: The Film Concert '

Q: Maaaring tumawag sa 1955 kung may kaugnay na tanong ngunit kapag busy ang linyang ito, sino ang maaari pa naming tawagan upang humingi ng tulong?

Vietnamese Migrant Workers and Immigrants Office

Contact No: 03 217 0468

Taiwan International Workers Association

Contact No: 02 2595 6858

Taiwan International Workers Association Office in Taichung (TIWA Taichung)

Contact No: 04 2225 5671

Shelter SPA Bisa Membantu Anda

SPA-Service Center and Shelter for Migrant Workers

Contact No: 03 455 5550

Khuôn viên văn hoá Việt Nam

Contact No: 05-2269177

Stella Maris Kaohsiung

Contact No: 07 533 1840

Para sa karagdagang impormasyon, mag-click dito.

Further Reading

Popular News

回到頁首icon
Loading